Friday, March 23, 2012

Happy Graduation Day!


Happy Graduation Day!
Happy Graduation Day sa lahat ng High School students!

Yes, graduation na. I just want to congratulate my friends, relatives and all the students in the universe na ga-graduate this coming year. I am very proud to all of you kasi dahil sa inyo, may maisusulat na naman ako. HAHA! (baka mata-type?)

WHATEVER!!!

Anyway, dahil ga-graduate ka na, gusto ko lang namang itanong sayo kung ano ang pakiramdam ng ga-graduate after those four years.

Talaga bang nalulungkot ka kasi ga-graduate ka na? O lungkot-lungkutan lang iyan dahil nadadala ka sa theme song ng graduation ninyo tuwing graduation rehearsal ninyo (sabi kasi ni Ma'am damhin ang song eh!)? Talaga bang nalulungkot ka kasi mami-miss mo ang mga kaklase mo o kaya ka lang nalulungkot kasi mawawalan ka na ng baon? Nalulungkot ka ba talaga kasi mami-miss mo ang bina-vandal mong school, ang binubwisit mong teachers at ang ginu-goodtime mong janitors at guards? Talaga lang ha! Pagkatapos mo silang away-awayin, pagtripan at pahirapan tuwing nagka-cutting ka, nagba-vandal at kung anu-ano pa, mami-miss mo sila? Okay. Sige. Miss mo na. Sabi mo eh. Wag ka ng umiyak.

O baka masaya ka kasi finally, after all those hardships, those countless assignments and reports, and those sleepless nights when reviewing (Nagre-review ka?), super finally, ga-graduate ka na? At ang ibig sabihin noon, naka-survive ka sa lahat ng iyon! Ang galing mo talaga! Ikaw na, THE BEST KA DIBA!

Siguro masaya ka na rin kasi hindi mo na makikita ang mga teachers mong muntik magpa-kick-out sa iyo, ang mga janitors na pinaglilinis ka ng corridor at comfort room tuwing nale-late ka o ang mga guards na kilalang kilala ka na dahil lagi kang walang ID (paano makikilala?) at lagi kang nagka-cutting (eh lagi ngang wala?). At syempre, masaya ka kasi tapos na ang unlimited tour mo sa guidance office! Yehey!!

Siguro nga masaya ka na. Dahil tapos na ang kapalpakan mo. Tapos na ang apat na taon. Wala ng barkada. Solo flight ka na.

Masaya ka na nga. Magsaya ka na. Baka nga after graduation, kaunti na lang ang matutulog ng maaga, karamihan, babanatan ang alak, babaha ng chaser, papapak ng pulutan.

Pero hindi mo ba naisip na imposibleng isa lang ang emosyon tuwing graduation? Hindi pwedeng masaya ka lang, hindi tulad ng birthday mo. Hindi pwedeng malungkot ka lang tulad ng araw ng Undas. Dalawa. O higit pang emosyon ang dapat mong maramdaman. Hindi ka lang basta malulungkot. Hindi ka lang basta sasaya. Magiging malungkot ka na masaya, o magiging masaya ka na malungkot.

Hindi mo maiiwasang ma-miss ang mga kaklase mo, mga teachers mo. Malulungkot ka kasi madalang o baka hindi na kayo magkita-kita. Kahit nangako kayo na after 10 years or what, magkikita-kita kayo, at ipapakita ninyo kung ano yung mga narating ninyo. Nakakalungkot kasi pagkatapos ng tawanan, kwentuhan, at samahan, heto kayo, maghihiwa-hiwalay.

Pero syempre, masaya ka rin. Kasi napatunayan mo sa sarili mo na kaya mong magtapos ng hayskul. Na hindi kumpleto ang buhay pag walang hayskul life. Masaya ka kasi, kahit bulakbol kang estudyante, pasaway kang anak, masama kang kapatid, plastik kang kaibigan, nakapagtapos ka. Hindi ka na-kick-out. Hindi ka na-drop-out. Hnidi ka bobo. Hindi ka failed. Hindi ka palamunin lang. At higit sa lahat, masaya ka kasi masaya ang mga magulang mo. Masaya ka kasi heto ka, aakyat sa entablado habang pinagmamasdan ka ng mga magulang mo, andoon nakangiti habang pinapalakpakan ka.

Dapat maging masaya ka. Maging proud ka. Kahit wala na ang mga totoo mong kaibigan at ang mga teacher mong masigasig sa pagtuturo sa inyo sa mga susunod na taon.

Dahil ga-graduate ka na nga, there is a bigger chance na hindi na kayo magkikita-kita. You should say sorry, unang-una, to your teachers na binansagan ninyo ng kung anu-anong codename, tuwing hindi kayo nakikinig sa mga lessons nila kahit nahihirapan na sila at mga personal matters. You should say sorry. Not because it is a must, not because I instructed you, but because you really did something wrong in the past. Kahit na words cannot heal those wounded hearts, still, you should say sorry sa mga kasalanan na nagawa mo/ninyo. Pangalawa, sa mga classmate-friends mo na nagawan mo ng masama, kesyo nagkaagawan ng syota o na-backstab mo o naka-sparing mo sa labas ng gate. Make peace. End na ng highschool tapos may galit pa din? We should not hold grudge to everybody. And lastly, to your caring parents, mag-sorry ka kasi minsan humihingi ka ng sobrang baon para ipang-DOTA o FaceBook o Twitter o ipang-Tetris (aminin mo na!), gumagala ka pa after school hours, sinasabi mong may practice sa ganito kahit ang totoo, makikipagtagpo ka lang sa boypren mo (hindi ko gawain dati yan ah! haha!) o sa mga kaibigan mo, ginagawa mong excuse ang schoolworks (eh hindi mo naman gawaing gumawa ng mga iyon, right?) para hindi makapaghugas ng pinggan. Mag-sorry ka sa libo-libong kasinungalingang sinabi at ginawa mo sa parents mo sa loob ng apat na taon. Mag-sorry ka. Mapapatawad ka nila. Pinag-aral ka nga diba? Mahal ka nila, maniwala ka sakin!

And syempre, you should say thank you to your teachers, classmate-friends and to your parents. Alam mo na kung saan at bakit ka dapat magpasalamat. Generally, dapat kang magpasalamat sa mga teachers mo kasi tinuruan ka nila ng mga lesson, hindi lang lessons na dapat nilang ituro kundi lessons in life na din. Magpasalamat ka sa mga classmate-friends mo kasi because of them, naging makabuluhan ang highschool life mo at syempreng-syempre, pinapakopya ka nila tuwing quiz, exam, assignment (dapat mag-thank you ka ng mas maraming beses sa pinagkokopyahan mo lagi hehe!), at mag-thank you ka sa magulang mo dahil meron kang cellphone, facebook account, baon, pampaganda, intermediate paper, pang-DOTA at syempre, mag-thank you ka kasi binigyan ka nila ng chance na makapag-aral at kung hindi dahil sa kanila, hindi mo mararanasan ang sinasabi nila, "Pinakamasaya ang HighSchool life!". At before I forgot, mag-thank you ka pala sa Mayor natin na si Mr. Bobby C. Eusebio dahil binigyan ka niya ng libreng PE uniform with matching socks and funky rubber shoes, cool black shoes, notebooks and a whole lot more. Mag-thank you ka din sa mga relatives at sa lahat ng mga tumulong sayo para makapagtapos. Kung hindi dahil sa kanila, baka repeater ka ngayon.

Okay na ba? Alam mo na mga gagawin mo ah. Giving sorry and thank you notes will do. :D 

Ako, graduate na ako, alam ko ang pakiramdam ng aalis sa school na pinili kong paglagian sa loob ng apat na taon. Isang beses mo lang mararanasan ang highschool life. Hindi naman sa lahat ng oras, dapat kang maging behave, hindi mo naman maiiwasan na may mga mali kang nagawa. Paano pag tumanda ka na? Wala kang maalalang nakakalokong bagay na ginawa mo noong bata ka pa. Wala kang maiisip na nakakatawang pangyayari sa buhay mo, kasi nga behave ka. Hindi naman sa sinasabi ko na habang may nalalabi ka pang minuto sa highschool life mo eh gumawa ka ng kalokohan, ang gusto ko lang sabihin, gumawa ng nakakatuwang mga bagay na maibabahagi mo sa ibang kabataan paglaki mo--gumawa ka ng mga bagay na pwedeng maging inspirasyon para sa kanila. Bahala ka. Baka pagsisihan mo iyon kapag huli na.

Salamat sa nilaan mong oras sa pagbabasa ng sinulat (tinayp) ko. Sana lang may napag-isip-isip kang mga bagay habang tinatapos mong basahin ito. Kung wala mang magbago, at wala lang sa iyo ang graduation, okay. Sige. Buhay mo naman iyan eh. Goodluck sa college life!

This is dedicated to all Nagpayong High School graduating students of batch 2011-2012.

From the former NHS'ian, schoolpaper staff of The Quest, "Yehey! graduate na sya, pakain naman, dadaan ako sa bahay ninyo ah hehe."

Congratulations and may you do your best in your life. Trust God all the time. He will guide you in every path you will going to take.

Teka, pa-follow:

blog ko: http://lyka-allaboutus.blogspot.com (register kayo via google, tapos follow hehe salamat :D)
twitter: @BYEavril

tag na lang kayo :D
SALAMAT ng marami :D

Sunday, December 11, 2011

May Common Sense ka ba?!

Palatanong ka ba? Kung oo, anong klaseng palatanong ka? Yung may sense ba o wala? Bakit kasi kailangan pang magtanong kung obvious naman ang sagot? Bakit kailangang itanong ang isang tanong na hindi na dapat tugunan dahil sa isa itong nakakabobong tanong? Teka lang, pwedeng magtanong??

Sandali. Medyo magulo ang pagkakagamit ko ng mga words kanina ah. Tingin mo bakit? Wait. Bakit ko pa tinatanong sa inyo? Sayang na nga sa characters, sayang pa sa oras. Sana binura ko na lang. Pero kung maiintindihan mo ang gusto kong ipunto, may sense ang tanong ko sa iyo.

Noong hindi pa sumisikat ang pambabara at paggamit ng mahahabang linya para lang makapambara (na alam nating napasikat ni Vice Ganda, sa pagkakaalam ko, sa kanya naging popular iyon eh), sobrang dali sumagot sa isang walang common sense na tanong. Take for example this situation one.

Teacher instructed her students.

Teacher: Okay class, get one whole sheet of paper.
Student: One whole Ma'am?
Teacher: Yes, one whole sheet of paper.

Diba, isang nakakatangang tanong ng estudyante mula sa kanyang teacher. Pero, ang sinabi ng teacher, inulit nya lang. Simple. Isang sentence. Walang kahiya-hiyang pangyayaring naganap.

Dito naman sa situation two.

Teacher instructed her students.


Teacher: Okay class, get one whole sheet of paper.
Student: One whole Ma'am?
Teacher: Are you not listening? My goodness! I said earlier, get one whole sheet of paper! Did I say anything more or less than that? Did I say get one whole sheet of Manila paper or half sheet of that paper? I didn't say other things but one whole sheet of paper!

See the difference? Napahiya yung estudyante. Pustahan bukas hindi iyan papasok. Ito naman kasing si teacher, ang lakas makapahiya. Pero she had the point. Kakasabi niya lang, magtatanong pa ulit iyong estudyante. Iyan ang mahirap sa atin eh (not only Filipinos, but also other people used nakakabobong tanong), nagtatanong ng walang kwentang bagay. Hindi pinag-iisipan. Basta may maitanong lang. Makapagpapansin lang.

Pero sa dalawang sitwasyon na nilahad ko kanina, alin ang mas madaling sabihin? (Nakakabobong tanong na naman!) Syempre yung una diba? (Malamang, one sentence nga lang eh, common sense!). Pero ngayon, lalo na sa kabataan, umuuso na iyong mga pambabarang sagot sa tanong. Suriin ang sumusunod na sitwasyon:

Girl: Nakita mo ba si Johnny?
Boy: Si Johnny?
Girl: Ay hindi, yung mama nya. May utang kasi sa aking iyong mama nya. Bumili ng suka sa tindahan gamit iyong pera ko kaya hinahanap ko.
Boy: (Hindi na gets, tumungo lang)
Girl: (Nakaramdam) Si Johnny nga kasi iyong hinahanap ko diba. Kaya nga si Johnny iyong tinatanong ko sa iyo eh. May iba ka pa bang narining na pangalan bukod sa Johnny? Narining mo ba iyong pangalan ni Mark? Hindi diba. Kasi nga si Johnny ang hinahanap kooooooooooooooo!!!!!!!

Yamot. Baka maglaslas nyan si boy. Tsk.

Bakit pa kasi kailangang ulitin ang isang bagay na sinabi na? For more emphasis? Para may two-way conversation? Para masabing nakakausap ka? Para may maitanong? Para kiligin si girl kasi kaya mong tumugon sa tinanong nya? O para maliwanagan lang kasi bingi ka, hindi ka naka-pokus sa tinatanong ng girl sayo kaya kailangang ulitin. Jusme! Ang linaw-linaw ng tanong nung girl: kung nakita nya daw ba si Johnny. Question mark. Its either YES or NO lang ang sagot dyan.

In other way, kahit pangit pakinggan ang pambabara mula sa nakakabobong tanong, at least you try to enlighten their minds and say, "Oo nga ano, bakit ko batinanong iyon!". Siguro punishment na lang din ang pambabara sa taong nagtatanong ng nakakabobong tanong. Siguro kaya naisip iyon ni Vice Ganda, baka naiirita na rin siya. Hello? Nakakapagod din kaya kapag paulit-ulit na. Isa pa, si Vice Ganda kasi, comedian, kaya siguro, isa iyon sa way ng pagpapatawa niya, ang pambabara. Minsan kasi, kapag sobrang haba na ng litanya mo sa kausap mong walang kwenta, mas nakakainis. Kaya, mag-isip tayo ng ibang alternatibong tugon para magising sa pagkakatanga ang mga ganitong uri ng mga taong palatanong.

Girl: Nakita mo ba si Johnny?
Boy: Si Johnny?
Girl: Oo, si Johnny nga. Johnny Santos. Iyong classamte natin na matangkad at naka-puti kanina. May iba ka pa bang kilalang Johnny?

If the boy's reason kung bakit niya tinanonng ulit kung si Johnny nga ba ang hinahanap ng girl ay sa kadahilanang marami siyang kilalang Johnny--Johnny Santos, Johnny Mercado, Johnny Sipunin, Johnny Bravo, di sana sinamahan niya na ng apelyido. Common sense!

Sa alternatibong sagot, medyo mahaba pa rin, pero at least, hindi siya napahiya. Nilagyan lang ni girl ng konting descriptions para ma-realize ng boy kung bakit pa siya nagtanong ng ganoon gayong pareho naman nilang kilala si Johnny. Basta bahala na kayo mag-handle ng temper ninyo sa mga taong ganyan kung magtanong. Sho-shonga-shonga. And, we should always remember na tumugon sa tanong ng may pagagalang pa rin (kung mga kaibigan mo ang babarahin mo, okay lang iyan, kahit sapakin mo pa sila, hindi sila magagalit, HAHAHA. Pero kung sa mga mas nakakatanda sa iyo o kung sa mga taong hindi mo ka-close, kakilala, o kahit kaibigan na short-temper at mabilis magtampo, wag mo ng barahin, kawawa naman).

Common sense. Sentido kumon sa Filipino. Lahat naman tayo biniyayaan ng isip. Para gamitin. Hindi para laging magtanong. Bago magtanong, isipin muna para hindi mapahiya. Iwasan nating sigawan tayo ng paulit-ulit dahil sa walang kwentang tanong na iyan. Gamitin ang utak. Paandarin ang isip kung ayaw mong masabihan ng: May common sense ka ba?!











Friday, December 09, 2011

Solution para sa Pangakong napapako (New Year's Resolution)

Okay class, please get one whole sheet of paper and write what is your New Year's Resolution.

Girl: New Year's Resolution.

Boy: Ano yung New Year's Resolution?

Girl: Wag ka ng magtanong! Magsulat ka na lang, hindi naman iyan babasahin ni Ma'am eh!

Boy: New Year's Resolution.
1. Hindi na po ako mangangako, PROMISE!

Girl: Bakit may promise? Diba hindi ka na nga mangangako? Nakakainis ka! Wala kang isang salita! Sabi ko na nga ba kahit ilang libong beses kang gumawa ng New Year's Resolution mo, walang magbabago sayo kundi iyang kapalpakan mo! Palpak ka, PALPAK!

Boy: Pwede mag-sorry?

Girl: Hindi pwede!

Boy: Okay lang, hindi naman ako nasaktan.

Girl: Manhid ka kasi. Promises-breaker na, manhid pa! Bakit pa kasi kita nakilala.

Boy: Ang drama mo, pinapagawa lang naman tayo ng New Year's Resolution ah. Saka, sinabi mo na hindi naman ito babasahin ni Ma'am, so pwede akong magsinungaling!

Girl: Talagang i-a-apply mo pa ang pagsisinungaling! Ginagawa mo na nga, sinusulat mo pa. Umayos ka nga! Bahala ka, magsusulat na ako.

Isa iyan sa mga tipikal na pinapagawa ng isang teacher sa estudyante kapag pumasok ang unang araw ng klase, sa unang araw ng buwan.

Noong nasa high school pa lang  ako (maski noong elementary), daily routine na namin iyan, kung anu-anong kabulastugang sinusulat ko, na kahit 0.01% ay walang natutupad. Tanong ko lang: Bakit pa kasi kailangang isulat? Bukod sa hindi naman recorded, sayang pa sa papel!

Ayoko kasing nangangako sa sarili ko. Kasi (Ang ingay talaga! kanina pa yang nagvi-videoke na iyan ah! Kanila itong lugar na ito! Sayo ito, kuyang kumakanta? Sayo!? Sumagot ka!!!!!) alam kong hindi ko rin matutupad. At kadalasan pa sa mga promise ko, mahirap tuparin, katulad ng: magiging mabait (naku, number one na hindi ko kayang baguhin sa sarili ko, siguro may good side naman ako pero hindi ako tulad ng iba na mabait talaga), magiging matipid (uy! ang ganda, bilhin natin!), at marami pang iba.

Tingin mo, ayos lang ba sa iyo kung hindi matupad ng isang tao ang pangako niya sa'yo?

a. Oo, kasi ganun din naman ako eh, fair lang.
b. Oo, kasi hindi naman iyon big deal sa akin eh.
c. Hindi, kasi nag-promise siya eh, dapat lang na tuparin niya.
at ang pinaka-safe na pwedeng isagot.
d. depende, depende sa bigat ng pangako niya.

Syempre kung talagang isa kang taong dedicated at committed, especially sa lahat ng mga sinasabi mo, sobrang faithful ka at ayaw mong nakakasakit ka ng iba, letter C ang isasagot mo. Pero kung isa ka ring tarantado na mangangakong ililibre mo ako ng kwek-kwek sa labas ng campus, sabay naalala mong nangako rin ako na ililibre kita at hindi ko tinupad, malamang s letter A ka. At kung hindi naman kalakihan ang atraso sa iyo nitong taong ito, halimbawang pinangakuan ka niya na bibigyan ka niya ng isang pirasong papel mamayang exam at sabay sabing ubos na, okay lang, bibili ka na lang sa may tindahan, piso-tatlo pa, sa letter B naman ang punta mo. Eh ano naman ang letter D? Ganito lang iyan, kung halimbawang pinangakuan ka ng syota mong mayaman na bibigyan ka nya ng house and lot at Porsche na kotse, tapos bigla niyang binawi, aba, nangako syaa eh! Dapat lang na tuparin nya diba? At kung halimbawang pinangakuan ka niya na bibigyan ka ng t-shirt na tig-fi-fifty pesos, okay lang na hindi nya matupad iyon, hindi naman iyon big deal eh. Kaya letter D, it all depends kung ano ang pinagako niya.

Kaya hangga't maaari, wag tayo basta-basta magbitaw ng pangako, especially, pag alam ninyong big deal sa pinapangakuan ninyo. So, kapag pinagsulat kayo ninuman ng New Year's Resolution, at pinangako mo na hindi ka na mga-chu-churva every night, o anu pa man iyan, tuparin mo. Remember, masarap sa feeling kapag ang mga resolutions mo ay natupad mo, konting tiyaga lang. Papayat din ang matataba, Gaganda ang mga pangit. Yayaman ang mga mahihirap. Puputi ang mga maiitim. Magkaka-lap-top ang mga chikiting. Tatalino ang mga bobo. Sisipag ang mga tamad. At, matutupad ang mga pangako.



Tuesday, November 01, 2011

Happy Halloween? What?!


Happy Halloween everyone!
But y'know, I am not happy because I really became busy this October month. Coz I didn't post any articles over the month. I have enough time, really (I access FB every time, of every day), but I can't really write something nicer. I visited my blog a day ago and I tried to write something on it. I just erased because I don't know what to say, much.

I just dropped by guys to say Happy Halloween! I don't know why the word "halloween" was affixed with the word "happy". This holiday was something very serious, somewhat dramatical and tear-shed. Maybe, others (or us, perhaps) were tricked by trick or treat, which sounds very well. But if we were amazingly tricked and called the halloween a happy day, why some (should I describe it least?) of Filipino people knocked on neighbor's door and say, "Trick or treat?" We never had a tradition like that. And I really knew it was from Westerner's traditions, right? I just seen it in movies (and magazines), not in real life.

But, hey! Don't bother this thing so much! I am just curious and no one else, HAHAHA. By the way, do you encountered any creepy things when you are going to somewhere? If you would ever ask me, I really say YES. I encountered this creepy thing when I was Second Year High School. Me and my friend went to comfort room (our class was shifted during night, the end of our class was 8pm) around 7pm. We were combing our hair in front of the mirror and suddenly, we heard a soft voice, somewhat crying. We stared at each other's eyes. Our mouth were shut and we really froze for a moment. Then, we screamed out of the comfort room. The guards were all looking at us. We didn't say any thing but ran towards our class room. We told that creepy happening to our classmates and they want to explore the comfort room. Since that night, my other classmate-friends were walking towards the CR, just to encounter that crying girl.

In connection with my story (circling to that goose-bumping CR of our school), my dear classmates also went to that particular CR (they were not my classmate-friends, but other person really wanted to pee) and they experienced hovering experience. My  classmate wanted to pee (as I have said) and really waiting for that girl peeing. She have waited, and, her companions said what she'd waiting over that cubicle. She said, there's a girl peeing and she also want to pee. But her friend said that there's no one over there. She looked again under the cubicle door and was surprised that there was no feet! She actually saw it before she'd been waiting. Then, she ran out of the comfort room.

We thought that the crying girl we heard and the peeing girl she saw (the feet under) was only one. Well, we were not surely sure, but, I don't know what to say.

While I am typing this stupid story of mine, I am really scared, giving me the creeps, because I am just alone here in my room. They were all downstairs, watching TV and lap-topping.

So, do you have your story? Post your comments down over there. HAHAHA.
Hit like if you goose-bumped (but I surely cannot see the LIKE button. HAHAHA !


Happy Halloween :)




Monday, October 03, 2011

Amazing Inspirational Quotes

1. If you love someone, let them go. If they return to you, it was meant to be. If they don't, their love was never yours to begin with.

2. We're so busy watching out for what's just ahead of us that we don't take time to enjoy where we are. -Calvin & Hobbes

3. For every minute you are angry, you lose sixty seconds of happiness. -Ralph Waldo Emerson

4. Dance like no one is watching. Sing like no one is listening. Love like you've never been hurt and live like it's heaven on Earth. -Mark Twain

5. Think big and don't listen to people who tell you it can't be done. Life's too short to think small. -Tim Ferriss

6. Never wish life were easier, wish that you were better. -Jim Rohn

7. Be yourself; everyone else is already taken. -Oscar Wilde

8. You were born an original. Don't die a copy. -John Masons

9. You've got to take good with the bad, smile with the sad, love what you've got, and remember what you had. Always forgive, but never forget. Learn from mistakes, but never regret.

10. Treat everyone with politeness, even those who are rude to you - not because they are nice, but because you are.

11. Don't cry because it's over, smile because it happened. -Dr. Seuss

12. Great minds discuss ideas, average minds discuss events, small minds discuss people. -Eleanor Roosevelt

13.  Since I gave up hope, I feel much better.

14. Be who you are and say what you feel, because those who mind don't matter, and those who matter don't mind. -Dr. Seuss

15. Never allow yourself to be so desperate that you end up setting far less than what you deserve.

16. For everything you have missed, you have gained something else, and for everything you gain, you lose something else. -Ralph Waldo Emerson

17. You have to risk going too far to discover just how far you can really go. -Jim Rohn

18. We can do no great things, only small things with great love. -Mother Teresa of Calcutta

19. Just remember, when you should grab something, grab it; when you should let go, let go.

20. Beauty sometimes makes you happy, but happiness always makes you beautiful.

21. He who wished to secure the good of others, has already secured his own. -Confucius

22. Nothing happens until something moves. -Albert Einstein

23. God gave you a gift of 86,400 seconds today. Have you used one to say "Thank you"? -William Arthur Ward

24. You will no longer be afraid. if you stop hoping.

25. Don't let the shadows of yesterday spoil the sunshine of tomorrow. Live for today. -Nandina Morris

26. Instead of worrying about what people say to you, why not spend time trying to accomplish something they will admire? -Dale Carnegie

27. Time goes by so fast, people go in and out of your life. You must never miss the opportunity to tell these people how much they mean to you.

28. If you can't learn to do it well, learn to do it badly. -Asleigh Brilliant

29. Since I gave up hope, I feel much better.

30. How long should you try? Until... -Jim Rohn

31. And in the end, it's not the years in your life that count. It's the life in your years. -Abraham Lincoln

32. Never fear growing old; there are many who never had the privilege.

33. Dream what you want to dream; go where you want to go; be what you want to be, because you have only one life and one chance to do all the things you want to do.

34. Dreams are like the paints of a great artist. your dreams are your paints, the world is your canvas. Believing, is the brush that converts your dreams into a masterpiece of reality.

35. Impossible only means that you haven't found the solution yet.

36. Your world is as big as you make it.


























Sunday, October 02, 2011

Teacher ko: Si Ma'am Margarejo

Naka-encounter na ba kayo ng isang teacher na totally awesome, different and ... uhm, teka, I can't think of any good words...

Ayun! Naka-encounter na ba kayo ng teacher na wala kang ibang words na ma-describe sa kanya kasi no words can deeply describe him/her?

Oh well, I had this kind of teacher, SHE was our Trigonometry teacher when I was in fourth year highschool. To make her subject LIGHTER... she was our Math Teacher.

Noong una, akala namin sobrang magagalitin siya, a queen of weirdo, o kaya naman terror teacher na topakin kapag may menstruation (ewan ko kung nagkakaroon pa siya ng menstruation). Pero noong habang tumatagal yung mga discussions namin (I really hate numbers, my dear), nagkakaroon ng super sayan III bonding!

Her name is Deborah Diaz Margarejo, ang ganda ng name nya diba?. During the first activity sa class namin, (it was parang a dula-dulaan and our topic was the x and y-axis) inasar na sya agad ng iba naming classmates, dip-di-rip-dip DEBORAH! dip-di-rip-dip DEBORAH ! dip-di-rip-dip DEBORAH ! (yan yung kanta ni Dora pag naglalakbay sila ni Boots). Tapos simula noon, lagi na namin iyong kinakanta.

Ewan ko ba kung bakit hindi siya nagagalit sa amin, sa harap-harapang pang-a-alaska sa kanya, Minsan nga, parang kinukutya na namin siya eh.

Lagi din namin siyang iniintriga, katulad ng lovelife niya ng asawa niya, kung lagi ba siyang nasa top noong high school (lagi namin iyong tinatanong para ma-konsensya syang mahirap maging estudyante at hindi lahat ng estudyante ay gets ang tinuturo niya), at kung napahiya na ba siya sa harap ng klase niya.

Sumapit noon ang Teacher's Day, wala kaming klase noon (pero dapat meron kasi wala naman kaming hinandang party party noon. Napilitan kaming gumawa ng sarili naming party. As usual, si Mikkan ang aming master of ceremony, kung ano yung lumabas sa bibig niya, yun ang susunod na scene. Nagkaroon ng no-practice-bahala-na-si-batman plays, puro kabulastugang commercials and finally, yung mga heart-stricken messages.

Nakakatuwang isipin na kahit ganoon yung pakikitungo namin sa kanya, na halos sigawan na namin siya kapag ayaw nya kaming tawagin para makapag-recite lang (kasi sa amin, pag naka-recite, madadagdagan ng isang stick yung index card mo, at pag mas maraming stick, mas mag-i-increase yung grade mo).

Masaya talaga pag math time. Halos 30 minutes na lang ang klase namin kaka-attendance. Pagandahan kasi lagi ng attendance. At dahil gusto naming makakuha ng five points, umabot na sa point na yung group 4 may lifting-lifting na, kami naman may rap at ang mabentang acronym namin kay Ma'am Margarejo. Iyong Math sa kanya, naging madali, kasi hindi niya pinapaisip sa amin na ang math ay mahirap.

Pero, nagkaroon ng malaking iskandalo sa pagitan ni Ma'am at ng IV-Archimedes.

Iyong pinakamalaking ginawa naming pagkakamali sa kanya ay iyong napag-trip-an namin siya sa FaceBook. Actually, wala sa aming nag-edit ng picture niya, nakita lang (daw) ni Gizelle iyon sa album ni Ma'am Nabos (Math teacher namin noong Second Year). Ang ginawa ni Joevic, ti-nag nya sa amin iyong picture. Tapos si Gizelle amg unang nag-comment. Iyong mukha nya, nasa loob ng sunflower tapos naka-smile. Nag-comment si Gizelle na pwede syang ka-partner ni Vic Sotto sa Tide na commercial. Tapos nag-comment na rin ako. Basta, kung ikaw ang nasa kalagayn ni Ma'am, take note, teacher iyon, mapapahiya ka din. Hindi mo alam na pati sa FaceBook, pinagtatawanan ka ng mga estudyante mo.

Dahil friend din namin ang asawa ni Ma'am, nalaman niya iyon at nabasa nya ang mga comments namin sa picture ni Ma'am.

Kinabukasan. Nagturo si Ma'am, medyo masigla pa siya noon. Tapos noong bandang may seatwork na kami, tahimik yung klase. Nagsimula ng magkwento si Ma'am.

"Class, sinong nag-post ng picture sa Facebook?", tanong niya.

Walang sumagot.

"Hindi naman ako magagalit eh." Sabi niya sa amin.

"Hindi naman ako nagagalit dahil pi-nost ninyo ang picture ko sa FaceBook, ang kinagagalit ko lang..."

Paiyak na si Ma'am. Nakasanadal siya sa gilid ng bintana.

"...Ay iyong pinagalitan ako ng asawa ko."

"Bakit ko daw hinahayaang mawalan ng respeto sa akin ang mga estudyante ko..."

"Estudyante ko kayo, at bilang estudyante ko, dapat na respetuhin niyo ako."

Hindi iyan iyong eksaktong sinabi ni Ma'am sa amin, pero yung salitang respetuhin ang pinaka-naalala ko. Sa mga sinabi ni Ma'am, natahimik kaming lahat. Oo nga. Lagi namin siyang binabastos. Siguro, nasanay kami na mabait siya. Nasanay kaming maging magaan ang loob niya samin.

"Nag-away kami kagabi ng asawa ko nang dahil sa picture na iyon..."

"Class, sana hindi na maulit ito."

Gusto ko noong mag-sorry kay Ma'am kasi kasama ako sa mga nag-comment sa picture niya. Hindi ko na matandaan kung may naglakas ng loob na tumayo para mag-sorry sa kanya. Basta, nakikinig ako kay Ma'am. Wala akong masabi, Ang nakikita ko lang ay ang armchair ko.

Umalis si Ma'am na tahimik pa rin ang classroom.

Sinabi pa noon ni Ma'am Nabos na maga-guidance sila Joevic at Gizelle. Pero thank God dahil hindi natuloy.

Noong umuwi ako, nag-open kaagad ako ng FaceBook at nag-message kay Sir Margarejo. Nag-sorry ako sa knaya. Dinamay ko na rin sina Gizelle at Joevic. Pinatawad naman kami ng asawa ni Ma'am Margarejo.

Simula noon, hindi na namin masyadong binabastos si Ma'am. Magaganda na rin ang acronyms namin sa kanya tuwing attendance.

Unforgettable teacher siya kasi para sa amin, siya iyong teacher mo na pwede mo talagang maging nanay. Parang siya nga iyong adviser namin eh. Kasi kapag may problema, tulad ng SSG elections, scandal ng section namin, kapag may mga events at nananalo kami, sa kanya namin kinukwento. Siguro ang swerte ng section four kasi si Ma'am Margarejo yung adviser nila. Pero, hindi rin magiging kumpleto ang high school life namin kung wala ang ever supportive namin adviser na si Ma'am Marasigan.


Masayang magkaroon ng unforgettable teacher, kasi kapag naka-graduate ka na, mayroon kang pupuntahan para yakapin, at sabihing "Ma'am, graduate na ako!"







Tuesday, September 27, 2011

3 idiots stupid Lines :)

Inside the room...

Teacher: Define a machine.
Rancho: A machine is anything that reduces human effort.
Teacher: Will you please elaborate??
Rancho: Sir, anything that simplifies work, or saves time, is a machine...Its a warm day, press a button, get a blast of air, the fan...a machine! speak to a friend a miles away. The telephone...a machine! compute millions in seconds, the calculator..a machine! we're surrounded by machines! from a pen's nib to a pant's zip-all machines! up and down in a second. up, down, up, down!
Saying this while moving the zipper of his pants up, down, up down in front of class!


 Because of Rancho's attitude, his teacher commanded him to go out of the class.

Teacher: So, we were discussing about the machine… (Rancho went back to the class)
               why’re you back?

Rancho: I forgot something…

Teacher: What?

Rancho: Instruments that record, analyse, summarize, organize debate and explain information; that    illustrated, non-illustrated, hard-bound, paperback, jacketed, non-jacketed, with foreword,  introduction, table-of-contents, index that are intended for the enlightenment, understanding enrichment, enhancement and education of the human brain through the sensory route of vision, sometimes touch..

Teacher: What do you mean?

Rancho: Books, sir! I forgot my books. May I?

Teacher:  Couldn’t you ask simply?

Rancho:  I tried earlier, Sir. It simply didn’t work.



Mr. Viru: Here is a self-proclaimed teacher who thinks he is better than our highly qualified teacher. Professor Ranchoddas Chanchad will teach us engineering.

(silence)

Mr. Viru: We do not have all day!

Rancho get a book then write something on the board : Farhanitrate Prerajulisation
Rancho: You have 30 seconds to define these terms. You may refer to your books. Raise your hand if you get the answer. Let’s see who comes first, who comes last. You time starts now…

Every one in the class searched the term, even the professor. But none of them got the correct answer.

Rancho: Time up!

The professor kept on searching…

Rancho:  Time up, sir! No one got the answer? Now, rewind your life in a minute. When I asked this question, were you excited? Curious? Thrilled that you’d learn something new? Anyone? Sir? No. You all got into frantic race. What’s the use of such methods, even if you come first? Will your knowledge increase? No, just the pressure. This is a college, not a PRESSURE COOKER! Even a circus lion learns to sit on a chair in fear of the whip.  But you call such lion “well-trained”, not “well-educated”.

Mr. virus: Hello! This is not a philosophy class! Just explain those two words!

Rancho: Sir, those words don’t exist. These are my friends’ name FARHAN and RAJU! FARHANitrate preRAJUlisation.

Everybody laughed.


Rancho saw the new expensive watch wearing by Pia. That watch was a present for her by Suhas, a very rich man.

Rancho: Oh! New watch? One moment…
               You always need a demo. (Rancho get the watch of Pia and hid it)
                Hey Suhas! (fiancĂ©e of Pia)

Suhas: (To Pia) Where were you? I’ve been looking for you…

Rancho: She’s looking for her watch.

Suhas: (To Pia) What?? You lost the watch??

Rancho: Never mind, get another.

Suhas: It cost $400,000!

Rancho: Oh! Mine’s 250, but keeps the same time.

Suhas: Shut up! How could you be so careless Pia? This callous attitude is disgusting. It’s disrespectful! That was a limited edition watch! You just lost?? Now, wear your ancient piece of junk at dinner. What’re you staring at? Here come the tears! Real mature, Pia! I can’t handle this! Stop crying and look for it!!

Pia: (Gave back the watch to Suhas while crying) Find another wrist for the watch…ASS!!!


There were mostly lot of exams…but Dad? It’s just one.


Exam

Mr. Viru: Hey! Time up!

Rancho: Please five minutes Sir. We started half an hour late. It was an emergency.

(He glared at us like we’d asked for both kidneys. But we continued writing. He continued to arrange the answer sheets.)

Rancho: Done, Sir!

Mr. Viru: You’re late. I can’t accept these.

Farhan: Sir, please, sir!

Rancho: Sir, do you know who we are?

Mr. Viru: Prime Minister’s son? Even then.. I will not accept your paper.

Rancho: Do you know our names and roll numbers?

Mr. Viru: No. Who are you?

Rancho: (Get the papers of Farhan and Raju, then scrambled the arranged papers including their papers then run!) He doesn’t know! Run!

Mr. Viru: Hey! What is your roll number! Where the hell are their papers?


We learned a lesson in Human Behavior: You friend fails, you fell BAD, your friend tops, you feel worse.