Girl: New Year's Resolution.
Boy: Ano yung New Year's Resolution?
Girl: Wag ka ng magtanong! Magsulat ka na lang, hindi naman iyan babasahin ni Ma'am eh!
Boy: New Year's Resolution.
1. Hindi na po ako mangangako, PROMISE!
Girl: Bakit may promise? Diba hindi ka na nga mangangako? Nakakainis ka! Wala kang isang salita! Sabi ko na nga ba kahit ilang libong beses kang gumawa ng New Year's Resolution mo, walang magbabago sayo kundi iyang kapalpakan mo! Palpak ka, PALPAK!
Boy: Pwede mag-sorry?
Girl: Hindi pwede!
Boy: Okay lang, hindi naman ako nasaktan.
Girl: Manhid ka kasi. Promises-breaker na, manhid pa! Bakit pa kasi kita nakilala.
Boy: Ang drama mo, pinapagawa lang naman tayo ng New Year's Resolution ah. Saka, sinabi mo na hindi naman ito babasahin ni Ma'am, so pwede akong magsinungaling!
Girl: Talagang i-a-apply mo pa ang pagsisinungaling! Ginagawa mo na nga, sinusulat mo pa. Umayos ka nga! Bahala ka, magsusulat na ako.
Isa iyan sa mga tipikal na pinapagawa ng isang teacher sa estudyante kapag pumasok ang unang araw ng klase, sa unang araw ng buwan.
Noong nasa high school pa lang ako (maski noong elementary), daily routine na namin iyan, kung anu-anong kabulastugang sinusulat ko, na kahit 0.01% ay walang natutupad. Tanong ko lang: Bakit pa kasi kailangang isulat? Bukod sa hindi naman recorded, sayang pa sa papel!
Ayoko kasing nangangako sa sarili ko. Kasi (Ang ingay talaga! kanina pa yang nagvi-videoke na iyan ah! Kanila itong lugar na ito! Sayo ito, kuyang kumakanta? Sayo!? Sumagot ka!!!!!) alam kong hindi ko rin matutupad. At kadalasan pa sa mga promise ko, mahirap tuparin, katulad ng: magiging mabait (naku, number one na hindi ko kayang baguhin sa sarili ko, siguro may good side naman ako pero hindi ako tulad ng iba na mabait talaga), magiging matipid (uy! ang ganda, bilhin natin!), at marami pang iba.
Tingin mo, ayos lang ba sa iyo kung hindi matupad ng isang tao ang pangako niya sa'yo?
a. Oo, kasi ganun din naman ako eh, fair lang.
b. Oo, kasi hindi naman iyon big deal sa akin eh.
c. Hindi, kasi nag-promise siya eh, dapat lang na tuparin niya.
at ang pinaka-safe na pwedeng isagot.
d. depende, depende sa bigat ng pangako niya.
Syempre kung talagang isa kang taong dedicated at committed, especially sa lahat ng mga sinasabi mo, sobrang faithful ka at ayaw mong nakakasakit ka ng iba, letter C ang isasagot mo. Pero kung isa ka ring tarantado na mangangakong ililibre mo ako ng kwek-kwek sa labas ng campus, sabay naalala mong nangako rin ako na ililibre kita at hindi ko tinupad, malamang s letter A ka. At kung hindi naman kalakihan ang atraso sa iyo nitong taong ito, halimbawang pinangakuan ka niya na bibigyan ka niya ng isang pirasong papel mamayang exam at sabay sabing ubos na, okay lang, bibili ka na lang sa may tindahan, piso-tatlo pa, sa letter B naman ang punta mo. Eh ano naman ang letter D? Ganito lang iyan, kung halimbawang pinangakuan ka ng syota mong mayaman na bibigyan ka nya ng house and lot at Porsche na kotse, tapos bigla niyang binawi, aba, nangako syaa eh! Dapat lang na tuparin nya diba? At kung halimbawang pinangakuan ka niya na bibigyan ka ng t-shirt na tig-fi-fifty pesos, okay lang na hindi nya matupad iyon, hindi naman iyon big deal eh. Kaya letter D, it all depends kung ano ang pinagako niya.
Kaya hangga't maaari, wag tayo basta-basta magbitaw ng pangako, especially, pag alam ninyong big deal sa pinapangakuan ninyo. So, kapag pinagsulat kayo ninuman ng New Year's Resolution, at pinangako mo na hindi ka na mga-chu-churva every night, o anu pa man iyan, tuparin mo. Remember, masarap sa feeling kapag ang mga resolutions mo ay natupad mo, konting tiyaga lang. Papayat din ang matataba, Gaganda ang mga pangit. Yayaman ang mga mahihirap. Puputi ang mga maiitim. Magkaka-lap-top ang mga chikiting. Tatalino ang mga bobo. Sisipag ang mga tamad. At, matutupad ang mga pangako.
may mga pangako talagang sadyang nasasabi pero mahirap gawin. May mga pangakong kayang tuparin na di lang salita pero nagagawa. Logic yan kung tutuusin.
ReplyDelete