Palatanong ka ba? Kung oo, anong klaseng palatanong ka? Yung may sense ba o wala? Bakit kasi kailangan pang magtanong kung obvious naman ang sagot? Bakit kailangang itanong ang isang tanong na hindi na dapat tugunan dahil sa isa itong nakakabobong tanong? Teka lang, pwedeng magtanong??
Sandali. Medyo magulo ang pagkakagamit ko ng mga words kanina ah. Tingin mo bakit? Wait. Bakit ko pa tinatanong sa inyo? Sayang na nga sa characters, sayang pa sa oras. Sana binura ko na lang. Pero kung maiintindihan mo ang gusto kong ipunto, may sense ang tanong ko sa iyo.
Noong hindi pa sumisikat ang pambabara at paggamit ng mahahabang linya para lang makapambara (na alam nating napasikat ni Vice Ganda, sa pagkakaalam ko, sa kanya naging popular iyon eh), sobrang dali sumagot sa isang walang common sense na tanong. Take for example this situation one.
Teacher instructed her students.
Teacher: Okay class, get one whole sheet of paper.
Student: One whole Ma'am?
Teacher: Yes, one whole sheet of paper.
Diba, isang nakakatangang tanong ng estudyante mula sa kanyang teacher. Pero, ang sinabi ng teacher, inulit nya lang. Simple. Isang sentence. Walang kahiya-hiyang pangyayaring naganap.
Dito naman sa situation two.
Teacher instructed her students.
Teacher: Okay class, get one whole sheet of paper.
Student: One whole Ma'am?
Teacher: Are you not listening? My goodness! I said earlier, get one whole sheet of paper! Did I say anything more or less than that? Did I say get one whole sheet of Manila paper or half sheet of that paper? I didn't say other things but one whole sheet of paper!
See the difference? Napahiya yung estudyante. Pustahan bukas hindi iyan papasok. Ito naman kasing si teacher, ang lakas makapahiya. Pero she had the point. Kakasabi niya lang, magtatanong pa ulit iyong estudyante. Iyan ang mahirap sa atin eh (not only Filipinos, but also other people used nakakabobong tanong), nagtatanong ng walang kwentang bagay. Hindi pinag-iisipan. Basta may maitanong lang. Makapagpapansin lang.
Pero sa dalawang sitwasyon na nilahad ko kanina, alin ang mas madaling sabihin? (Nakakabobong tanong na naman!) Syempre yung una diba? (Malamang, one sentence nga lang eh, common sense!). Pero ngayon, lalo na sa kabataan, umuuso na iyong mga pambabarang sagot sa tanong. Suriin ang sumusunod na sitwasyon:
Girl: Nakita mo ba si Johnny?
Boy: Si Johnny?
Girl: Ay hindi, yung mama nya. May utang kasi sa aking iyong mama nya. Bumili ng suka sa tindahan gamit iyong pera ko kaya hinahanap ko.
Boy: (Hindi na gets, tumungo lang)
Girl: (Nakaramdam) Si Johnny nga kasi iyong hinahanap ko diba. Kaya nga si Johnny iyong tinatanong ko sa iyo eh. May iba ka pa bang narining na pangalan bukod sa Johnny? Narining mo ba iyong pangalan ni Mark? Hindi diba. Kasi nga si Johnny ang hinahanap kooooooooooooooo!!!!!!!
Yamot. Baka maglaslas nyan si boy. Tsk.
Bakit pa kasi kailangang ulitin ang isang bagay na sinabi na? For more emphasis? Para may two-way conversation? Para masabing nakakausap ka? Para may maitanong? Para kiligin si girl kasi kaya mong tumugon sa tinanong nya? O para maliwanagan lang kasi bingi ka, hindi ka naka-pokus sa tinatanong ng girl sayo kaya kailangang ulitin. Jusme! Ang linaw-linaw ng tanong nung girl: kung nakita nya daw ba si Johnny. Question mark. Its either YES or NO lang ang sagot dyan.
In other way, kahit pangit pakinggan ang pambabara mula sa nakakabobong tanong, at least you try to enlighten their minds and say, "Oo nga ano, bakit ko batinanong iyon!". Siguro punishment na lang din ang pambabara sa taong nagtatanong ng nakakabobong tanong. Siguro kaya naisip iyon ni Vice Ganda, baka naiirita na rin siya. Hello? Nakakapagod din kaya kapag paulit-ulit na. Isa pa, si Vice Ganda kasi, comedian, kaya siguro, isa iyon sa way ng pagpapatawa niya, ang pambabara. Minsan kasi, kapag sobrang haba na ng litanya mo sa kausap mong walang kwenta, mas nakakainis. Kaya, mag-isip tayo ng ibang alternatibong tugon para magising sa pagkakatanga ang mga ganitong uri ng mga taong palatanong.
Girl: Nakita mo ba si Johnny?
Boy: Si Johnny?
Girl: Oo, si Johnny nga. Johnny Santos. Iyong classamte natin na matangkad at naka-puti kanina. May iba ka pa bang kilalang Johnny?
If the boy's reason kung bakit niya tinanonng ulit kung si Johnny nga ba ang hinahanap ng girl ay sa kadahilanang marami siyang kilalang Johnny--Johnny Santos, Johnny Mercado, Johnny Sipunin, Johnny Bravo, di sana sinamahan niya na ng apelyido. Common sense!
Sa alternatibong sagot, medyo mahaba pa rin, pero at least, hindi siya napahiya. Nilagyan lang ni girl ng konting descriptions para ma-realize ng boy kung bakit pa siya nagtanong ng ganoon gayong pareho naman nilang kilala si Johnny. Basta bahala na kayo mag-handle ng temper ninyo sa mga taong ganyan kung magtanong. Sho-shonga-shonga. And, we should always remember na tumugon sa tanong ng may pagagalang pa rin (kung mga kaibigan mo ang babarahin mo, okay lang iyan, kahit sapakin mo pa sila, hindi sila magagalit, HAHAHA. Pero kung sa mga mas nakakatanda sa iyo o kung sa mga taong hindi mo ka-close, kakilala, o kahit kaibigan na short-temper at mabilis magtampo, wag mo ng barahin, kawawa naman).
Common sense. Sentido kumon sa Filipino. Lahat naman tayo biniyayaan ng isip. Para gamitin. Hindi para laging magtanong. Bago magtanong, isipin muna para hindi mapahiya. Iwasan nating sigawan tayo ng paulit-ulit dahil sa walang kwentang tanong na iyan. Gamitin ang utak. Paandarin ang isip kung ayaw mong masabihan ng: May common sense ka ba?!
No comments:
Post a Comment