Sunday, March 02, 2014

Ang Konsepto ng Pagbabago ni Crisostomo Ibarra, Pilosopo Tasyo at Elias (Noli Me Tangere)

Ang Konsepto ng Pagbabago ni:

I.                    Crisostomo Ibarra

Galit at paghihimagsik ng kalooban ang nadama ni Ibarra nang malaman nyang ipinahukay ng kura-paroko ang bangkay ng kanyang ama at ipinalilipat sa sementeryo ng mga Tsino. Sapagkat lubhang mabigat ang bangkay at bumabagyo noon ay tinapon na lang ng sepulturero ang bangkay sa ilog. Labis na nagalit si Ibarra lalo na at napag-alaman nyang si Padre Damaso ang may kagagawan ng lahat.

Pagkaraang makapag-isip sya na walang maibubungang maganda ang paghihimagsik, nagpasiya si Ibarra na magpatayo ng isang paaralan para sa mga kabataan. Ang mithiing ito ay lalo pang pinasidhi ng makilala nya ang guro na nagkwento sa kanya ng kakulangan ng maayos na paaralan na hindi pakikialaman ng mga prayle upang ang mga bata ay maging interesado sa pag-aaral.

Ang balaking ito ay sinangguni nya kay Pilosopo Tasyo na nagsabing ang pagyukod kung dadaanan ng bala ay hindi isang karuwagan.

Ang konsepto ng pagbabago ni Ibarra ay sa kagustuhang maghimagsik sa una, nguni’t sa kanyang pag-iisip ay napagpasyahan nyang magtayo ng paaralan para sa mga kabataan. May mga mangila-ngilang karakter na tutol sa kanyang mithiin kung kaya’t napakaraming balakid ang kanyang naranasan. Hindi man nya naisakatuparan ng buo ang pagbabagong kanyang minimithi, may dahilan ang mga balakid na iyon upang humantong ang kanyang kaisipan na magbago sa kanyang mga balak sa buhay.

II.                  Pilosopo Tasyo

Si Pilosopo Tasyo ang takbuhan ni Ibarra sa tuwing may ikokonsulta sya dito. Isa na rito ang pagpapatayo nya ng paaralan para sa mga kabataan. Sinabi ni Pilisopo Tasyo na huwag nang ituloy ang pagpapatayo ng paaralan gamit ang sariling puhunan. Nguni’t itinuloy pa rin ni Ibarra ang kanyang balak.

Maagang nag-asawa si Pilosopo Tasyo. Sa pagkamatay ng kanyang ina at di kalaunan ng kanyang asawa, hindi nya na alam ang dapat nyang gawin sa hinaharap.

Maaaring sa iba ay baliw ang tingin sa kanya. Nguni’t sa mga nakakaunawa ay may mas malalim na kaalaman ang nasa likod ng kanyang pagkatao. Naging mahilig sya sa pagbababsa ng libro kung kaya’t napabayaan nya ang kanyang yaman.

Sa konsepto ng pagbabago ni Pilosopo Tasyo, ang libro ang naging armas nya upang mas maunawaan ang sakit ng kanilang lipunan. Marami man ang hindi nakakaunawa sa kanyang mga prinsipyo at paniniwala, alam nya sa kanyang sarili na mas lamang sya sa iba dahi sa mga kaalamang nagpapayaman sa kanya.

III.                Elias

Si Elias ay isa sa mga tumulong kay Ibarra mula sa mga babala hanggang sa pagtakas kay Ibarra. Sinabi ni Elias na wag ng ituloy ni Ibarra ang pagpapatayo ng paaralan dahil may nagtatangka sa kanyang buhay.

Ang mga kaaway ni Ibarra ay nagplano ng pananalakay sa kanya. Nabatid ni Elias ang balak na ito at agad na nagtungo sa bahay ni Ibarra. Iniutos nya na sunugin lahat ng mga bagay na maaaring magpahamak sa kanya at tumakas agad. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagsamsam ng mga papel, hanggang sa nabasa nya ang pangalang Eibarramendia. Napagtanto ni Elias na si Ibarra ang taong nais nyang paghigantihan. Sa sobrang kalituhan sa kanyang natuklasan ay patakbong umalis si Elias.

Tinulungan din ni Elias si Ibarra na tumakas kasama ang kanyang mga kayamanan. May tumutugis sa kanilang dalawa kaya tumalon si Elias sa ilog upang paniwalain na sya si Ibarra. Pinagbabaril  ng mga iyon si Elias.

Sa kabila ng tama ng bala ay nakarating si Elias sa pampang. Nakita nya si Basilio at sinabing sunugin ang kanyang bangkay at ang bangkay ng kanyang ina. Sinabi pa nya bago sya mamatay ay may kayamanang nakalibing sa dakong kanyang itinuro. Sinabi nya kay Basilio na gamitin iyon sa kanyang pag-aaral.


Ang konsepto ng pagbabago kay Elias ay ang tanawing hindi man niya napagtagumpayang maisakatuparan ang kanyang mga balak, nagkaroon naman sya ng pagkakataong baguhin ang isang taong may prinsipyo sa buhay—gamit ang kayamanan ni Ibarra.

No comments:

Post a Comment