Sunday, October 02, 2011

Teacher ko: Si Ma'am Margarejo

Naka-encounter na ba kayo ng isang teacher na totally awesome, different and ... uhm, teka, I can't think of any good words...

Ayun! Naka-encounter na ba kayo ng teacher na wala kang ibang words na ma-describe sa kanya kasi no words can deeply describe him/her?

Oh well, I had this kind of teacher, SHE was our Trigonometry teacher when I was in fourth year highschool. To make her subject LIGHTER... she was our Math Teacher.

Noong una, akala namin sobrang magagalitin siya, a queen of weirdo, o kaya naman terror teacher na topakin kapag may menstruation (ewan ko kung nagkakaroon pa siya ng menstruation). Pero noong habang tumatagal yung mga discussions namin (I really hate numbers, my dear), nagkakaroon ng super sayan III bonding!

Her name is Deborah Diaz Margarejo, ang ganda ng name nya diba?. During the first activity sa class namin, (it was parang a dula-dulaan and our topic was the x and y-axis) inasar na sya agad ng iba naming classmates, dip-di-rip-dip DEBORAH! dip-di-rip-dip DEBORAH ! dip-di-rip-dip DEBORAH ! (yan yung kanta ni Dora pag naglalakbay sila ni Boots). Tapos simula noon, lagi na namin iyong kinakanta.

Ewan ko ba kung bakit hindi siya nagagalit sa amin, sa harap-harapang pang-a-alaska sa kanya, Minsan nga, parang kinukutya na namin siya eh.

Lagi din namin siyang iniintriga, katulad ng lovelife niya ng asawa niya, kung lagi ba siyang nasa top noong high school (lagi namin iyong tinatanong para ma-konsensya syang mahirap maging estudyante at hindi lahat ng estudyante ay gets ang tinuturo niya), at kung napahiya na ba siya sa harap ng klase niya.

Sumapit noon ang Teacher's Day, wala kaming klase noon (pero dapat meron kasi wala naman kaming hinandang party party noon. Napilitan kaming gumawa ng sarili naming party. As usual, si Mikkan ang aming master of ceremony, kung ano yung lumabas sa bibig niya, yun ang susunod na scene. Nagkaroon ng no-practice-bahala-na-si-batman plays, puro kabulastugang commercials and finally, yung mga heart-stricken messages.

Nakakatuwang isipin na kahit ganoon yung pakikitungo namin sa kanya, na halos sigawan na namin siya kapag ayaw nya kaming tawagin para makapag-recite lang (kasi sa amin, pag naka-recite, madadagdagan ng isang stick yung index card mo, at pag mas maraming stick, mas mag-i-increase yung grade mo).

Masaya talaga pag math time. Halos 30 minutes na lang ang klase namin kaka-attendance. Pagandahan kasi lagi ng attendance. At dahil gusto naming makakuha ng five points, umabot na sa point na yung group 4 may lifting-lifting na, kami naman may rap at ang mabentang acronym namin kay Ma'am Margarejo. Iyong Math sa kanya, naging madali, kasi hindi niya pinapaisip sa amin na ang math ay mahirap.

Pero, nagkaroon ng malaking iskandalo sa pagitan ni Ma'am at ng IV-Archimedes.

Iyong pinakamalaking ginawa naming pagkakamali sa kanya ay iyong napag-trip-an namin siya sa FaceBook. Actually, wala sa aming nag-edit ng picture niya, nakita lang (daw) ni Gizelle iyon sa album ni Ma'am Nabos (Math teacher namin noong Second Year). Ang ginawa ni Joevic, ti-nag nya sa amin iyong picture. Tapos si Gizelle amg unang nag-comment. Iyong mukha nya, nasa loob ng sunflower tapos naka-smile. Nag-comment si Gizelle na pwede syang ka-partner ni Vic Sotto sa Tide na commercial. Tapos nag-comment na rin ako. Basta, kung ikaw ang nasa kalagayn ni Ma'am, take note, teacher iyon, mapapahiya ka din. Hindi mo alam na pati sa FaceBook, pinagtatawanan ka ng mga estudyante mo.

Dahil friend din namin ang asawa ni Ma'am, nalaman niya iyon at nabasa nya ang mga comments namin sa picture ni Ma'am.

Kinabukasan. Nagturo si Ma'am, medyo masigla pa siya noon. Tapos noong bandang may seatwork na kami, tahimik yung klase. Nagsimula ng magkwento si Ma'am.

"Class, sinong nag-post ng picture sa Facebook?", tanong niya.

Walang sumagot.

"Hindi naman ako magagalit eh." Sabi niya sa amin.

"Hindi naman ako nagagalit dahil pi-nost ninyo ang picture ko sa FaceBook, ang kinagagalit ko lang..."

Paiyak na si Ma'am. Nakasanadal siya sa gilid ng bintana.

"...Ay iyong pinagalitan ako ng asawa ko."

"Bakit ko daw hinahayaang mawalan ng respeto sa akin ang mga estudyante ko..."

"Estudyante ko kayo, at bilang estudyante ko, dapat na respetuhin niyo ako."

Hindi iyan iyong eksaktong sinabi ni Ma'am sa amin, pero yung salitang respetuhin ang pinaka-naalala ko. Sa mga sinabi ni Ma'am, natahimik kaming lahat. Oo nga. Lagi namin siyang binabastos. Siguro, nasanay kami na mabait siya. Nasanay kaming maging magaan ang loob niya samin.

"Nag-away kami kagabi ng asawa ko nang dahil sa picture na iyon..."

"Class, sana hindi na maulit ito."

Gusto ko noong mag-sorry kay Ma'am kasi kasama ako sa mga nag-comment sa picture niya. Hindi ko na matandaan kung may naglakas ng loob na tumayo para mag-sorry sa kanya. Basta, nakikinig ako kay Ma'am. Wala akong masabi, Ang nakikita ko lang ay ang armchair ko.

Umalis si Ma'am na tahimik pa rin ang classroom.

Sinabi pa noon ni Ma'am Nabos na maga-guidance sila Joevic at Gizelle. Pero thank God dahil hindi natuloy.

Noong umuwi ako, nag-open kaagad ako ng FaceBook at nag-message kay Sir Margarejo. Nag-sorry ako sa knaya. Dinamay ko na rin sina Gizelle at Joevic. Pinatawad naman kami ng asawa ni Ma'am Margarejo.

Simula noon, hindi na namin masyadong binabastos si Ma'am. Magaganda na rin ang acronyms namin sa kanya tuwing attendance.

Unforgettable teacher siya kasi para sa amin, siya iyong teacher mo na pwede mo talagang maging nanay. Parang siya nga iyong adviser namin eh. Kasi kapag may problema, tulad ng SSG elections, scandal ng section namin, kapag may mga events at nananalo kami, sa kanya namin kinukwento. Siguro ang swerte ng section four kasi si Ma'am Margarejo yung adviser nila. Pero, hindi rin magiging kumpleto ang high school life namin kung wala ang ever supportive namin adviser na si Ma'am Marasigan.


Masayang magkaroon ng unforgettable teacher, kasi kapag naka-graduate ka na, mayroon kang pupuntahan para yakapin, at sabihing "Ma'am, graduate na ako!"







No comments:

Post a Comment