Happy Graduation Day!
Happy Graduation Day sa lahat ng High School students!
Yes, graduation na. I just want to congratulate my friends, relatives and all the students in the universe na ga-graduate this coming year. I am very proud to all of you kasi dahil sa inyo, may maisusulat na naman ako. HAHA! (baka mata-type?)
WHATEVER!!!
Anyway, dahil ga-graduate ka na, gusto ko lang namang itanong sayo kung ano ang pakiramdam ng ga-graduate after those four years.
Talaga bang nalulungkot ka kasi ga-graduate ka na? O lungkot-lungkutan lang iyan dahil nadadala ka sa theme song ng graduation ninyo tuwing graduation rehearsal ninyo (sabi kasi ni Ma'am damhin ang song eh!)? Talaga bang nalulungkot ka kasi mami-miss mo ang mga kaklase mo o kaya ka lang nalulungkot kasi mawawalan ka na ng baon? Nalulungkot ka ba talaga kasi mami-miss mo ang bina-vandal mong school, ang binubwisit mong teachers at ang ginu-goodtime mong janitors at guards? Talaga lang ha! Pagkatapos mo silang away-awayin, pagtripan at pahirapan tuwing nagka-cutting ka, nagba-vandal at kung anu-ano pa, mami-miss mo sila? Okay. Sige. Miss mo na. Sabi mo eh. Wag ka ng umiyak.
O baka masaya ka kasi finally, after all those hardships, those countless assignments and reports, and those sleepless nights when reviewing (Nagre-review ka?), super finally, ga-graduate ka na? At ang ibig sabihin noon, naka-survive ka sa lahat ng iyon! Ang galing mo talaga! Ikaw na, THE BEST KA DIBA!
Siguro masaya ka na rin kasi hindi mo na makikita ang mga teachers mong muntik magpa-kick-out sa iyo, ang mga janitors na pinaglilinis ka ng corridor at comfort room tuwing nale-late ka o ang mga guards na kilalang kilala ka na dahil lagi kang walang ID (paano makikilala?) at lagi kang nagka-cutting (eh lagi ngang wala?). At syempre, masaya ka kasi tapos na ang unlimited tour mo sa guidance office! Yehey!!
Siguro nga masaya ka na. Dahil tapos na ang kapalpakan mo. Tapos na ang apat na taon. Wala ng barkada. Solo flight ka na.
Masaya ka na nga. Magsaya ka na. Baka nga after graduation, kaunti na lang ang matutulog ng maaga, karamihan, babanatan ang alak, babaha ng chaser, papapak ng pulutan.
Pero hindi mo ba naisip na imposibleng isa lang ang emosyon tuwing graduation? Hindi pwedeng masaya ka lang, hindi tulad ng birthday mo. Hindi pwedeng malungkot ka lang tulad ng araw ng Undas. Dalawa. O higit pang emosyon ang dapat mong maramdaman. Hindi ka lang basta malulungkot. Hindi ka lang basta sasaya. Magiging malungkot ka na masaya, o magiging masaya ka na malungkot.
Hindi mo maiiwasang ma-miss ang mga kaklase mo, mga teachers mo. Malulungkot ka kasi madalang o baka hindi na kayo magkita-kita. Kahit nangako kayo na after 10 years or what, magkikita-kita kayo, at ipapakita ninyo kung ano yung mga narating ninyo. Nakakalungkot kasi pagkatapos ng tawanan, kwentuhan, at samahan, heto kayo, maghihiwa-hiwalay.
Pero syempre, masaya ka rin. Kasi napatunayan mo sa sarili mo na kaya mong magtapos ng hayskul. Na hindi kumpleto ang buhay pag walang hayskul life. Masaya ka kasi, kahit bulakbol kang estudyante, pasaway kang anak, masama kang kapatid, plastik kang kaibigan, nakapagtapos ka. Hindi ka na-kick-out. Hindi ka na-drop-out. Hnidi ka bobo. Hindi ka failed. Hindi ka palamunin lang. At higit sa lahat, masaya ka kasi masaya ang mga magulang mo. Masaya ka kasi heto ka, aakyat sa entablado habang pinagmamasdan ka ng mga magulang mo, andoon nakangiti habang pinapalakpakan ka.
Dapat maging masaya ka. Maging proud ka. Kahit wala na ang mga totoo mong kaibigan at ang mga teacher mong masigasig sa pagtuturo sa inyo sa mga susunod na taon.
Dahil ga-graduate ka na nga, there is a bigger chance na hindi na kayo magkikita-kita. You should say sorry, unang-una, to your teachers na binansagan ninyo ng kung anu-anong codename, tuwing hindi kayo nakikinig sa mga lessons nila kahit nahihirapan na sila at mga personal matters. You should say sorry. Not because it is a must, not because I instructed you, but because you really did something wrong in the past. Kahit na words cannot heal those wounded hearts, still, you should say sorry sa mga kasalanan na nagawa mo/ninyo. Pangalawa, sa mga classmate-friends mo na nagawan mo ng masama, kesyo nagkaagawan ng syota o na-backstab mo o naka-sparing mo sa labas ng gate. Make peace. End na ng highschool tapos may galit pa din? We should not hold grudge to everybody. And lastly, to your caring parents, mag-sorry ka kasi minsan humihingi ka ng sobrang baon para ipang-DOTA o FaceBook o Twitter o ipang-Tetris (aminin mo na!), gumagala ka pa after school hours, sinasabi mong may practice sa ganito kahit ang totoo, makikipagtagpo ka lang sa boypren mo (hindi ko gawain dati yan ah! haha!) o sa mga kaibigan mo, ginagawa mong excuse ang schoolworks (eh hindi mo naman gawaing gumawa ng mga iyon, right?) para hindi makapaghugas ng pinggan. Mag-sorry ka sa libo-libong kasinungalingang sinabi at ginawa mo sa parents mo sa loob ng apat na taon. Mag-sorry ka. Mapapatawad ka nila. Pinag-aral ka nga diba? Mahal ka nila, maniwala ka sakin!
And syempre, you should say thank you to your teachers, classmate-friends and to your parents. Alam mo na kung saan at bakit ka dapat magpasalamat. Generally, dapat kang magpasalamat sa mga teachers mo kasi tinuruan ka nila ng mga lesson, hindi lang lessons na dapat nilang ituro kundi lessons in life na din. Magpasalamat ka sa mga classmate-friends mo kasi because of them, naging makabuluhan ang highschool life mo at syempreng-syempre, pinapakopya ka nila tuwing quiz, exam, assignment (dapat mag-thank you ka ng mas maraming beses sa pinagkokopyahan mo lagi hehe!), at mag-thank you ka sa magulang mo dahil meron kang cellphone, facebook account, baon, pampaganda, intermediate paper, pang-DOTA at syempre, mag-thank you ka kasi binigyan ka nila ng chance na makapag-aral at kung hindi dahil sa kanila, hindi mo mararanasan ang sinasabi nila, "Pinakamasaya ang HighSchool life!". At before I forgot, mag-thank you ka pala sa Mayor natin na si Mr. Bobby C. Eusebio dahil binigyan ka niya ng libreng PE uniform with matching socks and funky rubber shoes, cool black shoes, notebooks and a whole lot more. Mag-thank you ka din sa mga relatives at sa lahat ng mga tumulong sayo para makapagtapos. Kung hindi dahil sa kanila, baka repeater ka ngayon.
Okay na ba? Alam mo na mga gagawin mo ah. Giving sorry and thank you notes will do. :D
Ako, graduate na ako, alam ko ang pakiramdam ng aalis sa school na pinili kong paglagian sa loob ng apat na taon. Isang beses mo lang mararanasan ang highschool life. Hindi naman sa lahat ng oras, dapat kang maging behave, hindi mo naman maiiwasan na may mga mali kang nagawa. Paano pag tumanda ka na? Wala kang maalalang nakakalokong bagay na ginawa mo noong bata ka pa. Wala kang maiisip na nakakatawang pangyayari sa buhay mo, kasi nga behave ka. Hindi naman sa sinasabi ko na habang may nalalabi ka pang minuto sa highschool life mo eh gumawa ka ng kalokohan, ang gusto ko lang sabihin, gumawa ng nakakatuwang mga bagay na maibabahagi mo sa ibang kabataan paglaki mo--gumawa ka ng mga bagay na pwedeng maging inspirasyon para sa kanila. Bahala ka. Baka pagsisihan mo iyon kapag huli na.
Salamat sa nilaan mong oras sa pagbabasa ng sinulat (tinayp) ko. Sana lang may napag-isip-isip kang mga bagay habang tinatapos mong basahin ito. Kung wala mang magbago, at wala lang sa iyo ang graduation, okay. Sige. Buhay mo naman iyan eh. Goodluck sa college life!
This is dedicated to all Nagpayong High School graduating students of batch 2011-2012.
From the former NHS'ian, schoolpaper staff of The Quest, "Yehey! graduate na sya, pakain naman, dadaan ako sa bahay ninyo ah hehe."
Congratulations and may you do your best in your life. Trust God all the time. He will guide you in every path you will going to take.
Teka, pa-follow:
blog ko: http://lyka-allaboutus.blogspot.com (register kayo via google, tapos follow hehe salamat :D)
twitter: @BYEavril
tag na lang kayo :D
SALAMAT ng marami :D
No comments:
Post a Comment